My DSL: The Finale
Tinoyo si Aia nung 6:13 PM
Ang weirdo kausap ni kuya na nagconfigure ng internet. Buksan ko daw ang modem pero wag ko daw muna i-connect. E diba ang point nga ng pag "turn on" ng modem ay para i-connect. Basta ang weirdo niya!
Anyhoo, ang gusto ko lang naman sabihin ay....
SA WAKAS AFTER 64 GOLDEN YEARS NAAYOS RIN ANG DSL NAMIN!
Naupgrade din ang bulok na Plan 888, sa Plan 990. Ang noon na tumatagingting na 37 kb/s
(o yes, nung nasira ang DSL namin naging mas mabagal pa to sa dial-up) ay 371 kb/s na ngayon. Thank you God! :)
Labels: PINAS
Sisiraan ko ang NBS
Tinoyo si Aia nung 10:02 AM
Masama ang loob ko sa National Bookstore! Hindi pwede ang mga walang pera dun na gustong matuto. Tae!
Pumunta kami ni special someone dun para magbasa ng onting parte ng Kokology 2 dahil natuwa ako sa binasa ng prof ko earlier that day. At gusto ko ring malaman kung halang ba ang kaluluwa ni SS
(special someone). Biro lang, gusto ko lang makilala pa siya! Medyo napatagal nga siguro kami at medyo parang may nalunok akong megaphone kung magbasa. Biglang sinita kami nung babae sa customer service, "PAKISARA YUNG LIBRO!" in front of the many people! Ipamukha bang wala kaming pera sa harap ng madla.
Nakakasira ng dangal! Galit ako sa National Bookstore! Buti pa sa Powerbooks, may upuan pa sila na talaga namang napakacute. Sayang lang at hindi ko na-experience yun!
Umeffort ako kahit hate blog to!
Labels: PINAS
Comfort Room
Tinoyo si Aia nung 7:37 PM
Kakaiba talaga ang energy na nararamdaman ko kapag asa banyo ako. Wag ka ng magtangkang manakot dahil hindi energy ni Satanas ang nararamdaman ko dun.
I just defecated.
In tagalog, kakatae ko lang. Medyo stubborn si kuya, kailangan pa ng matindihang tulak para lumabas. Hindi ko nakuha sa simple paggusot ng mukha, o sa pag-ire lang. Kinailangan kong humawak sa pader, sabay tulak + ire + gusot ng mukha. Ah yeah, I'm breaking free!
Kung malakas ang imagination mo, kanina ka pa gumugulong at tumatambling sa kakatawa.
Dito na pumasok yung kakaibang energy na binabanggit ko. Biruin mong nagalaw ko yung dingding ng banyo namin.
Syempre imagination ko lang yun, pero ang galing pa rin. Hindi lang comfort ang naidudulot ng banyo, pati boost sa strength.
P.S.
Theory on the etiology of the word Comfort room
(Wala pa kong naririnig tungkol sa ganitong theory so aangkinin ko muna to)
Oha! Ang haba nyan. Gusto ko lang isingit yung napag-usapan namin noon ni special someone tungkol sa kung bakit comfort room ang tawag sa comfort room.
Um-agree siya sakin na kapag asa CR siya, nakakapag-isip siya ng malalim hindi tulad ng pag asa kama, onting nilay-nilay lang ay mapapateleport ka kagad sa dreamland. Dito, nararating niya ang highest level ng heirarchy of needs ni Abraham Maslow na
self-actualization. Dito rin nya nafoformulate ang mga bright ideas nyang sing bright ni Brightney Spears.
Hindi ka naman makapag-iisip ng maayos kung maraming nagpa-process sa utak mo ng sabay sabay sabay sabay, kung may pressure o stressor sa paligid, o kung nacoconscious ka. Nawawala lahat ng pag-iinarting yan kapag asa banyo ka.
Sa banyo napakita mo na ang hubad na katotoohanan ng buo mong pagkatao. Dito malaya ka! At kung free ka
(libre ka) comfortable ka, walang alinlangan sa kahit anong bagay. Thus, the word Comfort Room came to life.
Pero wag niyong dibdibin to, tingin ko kasi parehas lang kaming may saltik ni special someone.
Labels: kabalbalan, self
My DSL pt 2
Tinoyo si Aia nung 10:37 PM
Teka lang. Teka lang... *Hinga malalim*
Nahihirapan na akong magpigil pero sobra na talaga ang katigasan ng mukha ng PLDT. Ironman kayo ba yan? Pang ilang araw na to? Pang ilang linggo na? Hello hello? Serbisyong pang tao lang please! KASING BAGAL PA RIN NG GODFATHER NI PONG PAGONG TONG LINTSAK NA DSL NAMIN!
KAMUSTA YOU? KAMUSTA ME? KAMUSTA US, BALBAS! PLEASE PLEASE PLEASE PAKIBALIK ANG TAMANG SPEED NG PLAN NAMIN!
Labels: PINAS
Ang sweet ng nanay ko
Tinoyo si Aia nung 11:52 PM
Naglamyerda sila ng kaibigan niya sa Metrowalk kahapon at napunta sila sa sikat na sikat na bilihan ng dibidi
(DVD) doon. Binilhan niya ako ng all time favorite kong movie na Matilda. And yes, hanggang ngayon memorize ko pa pala ang mga linya dun. Hahahaha! Pagkakuha ko palang kagabi sinalang ko na kagad sa dibidi player namin at nanood til I drop. At nagdrop ako kagad, di ako nakaabot sa kalagitnaan dahil atat na atat na yung katawan kong makabawi ng tulog.
At ngayon gusto ko parin bumawi.
*zzzzz*Labels: ermats, pamilya
Condolences?
Tinoyo si Aia nung 2:41 AM
Patients history + Review of Anatomy and Physiology + Drug analysis + Gordon's Functional Health Pattern =
WALANG TULUGAN.
Unang araw ng second semester, lamayan agad!
FYI: 4 am na! -_-
Labels: buhay estudyante
Sa itaas
Tinoyo si Aia nung 12:30 PM
Matagal ng bumabagabag sa akin ang tanong na
what is up? Ano ba talaga ang totoong ibig sabihin nito? Parehas lang ba ang kahulugan nito sa mainstream conversation starter na
msta n u?
Pinagpapawisan talaga ang kaluluwa ko kapag tinatanong ako niyan. Hindi ko masisid sa kaibuturan ng kokote ko ang sagot dyan. Kaya naman ako
nothing much na lang ang sinasagot ko para naman hindi obyus na tiga baryo ako at sadyang ignorante sa mundo.
Labels: self
My DSL
Tinoyo si Aia nung 11:51 AM
Gusto ko sanang murahin yung technician na nagpunta dito nung isang araw para ipahayag sa kanya ang poot na nararamdaman ko sa pesteng serbisyo nila
(ng PLDT). Buti nalang I am living a new life now, at sinusubukang burahin ang lahat ng mali sa buhay ko, kung hindi malamangan sunog ang eardrums niya sa mga maririnig niya mula sakin.
Pero syempre nagjojoke lang ako. May respeto ako sa matatanda kaya naman opo lang ako ng opo sa mga sinasabi niya. Bonus nga dahil magaling magpatawa at mang-uto si kuya technician kaya naman nakipagkwentuhan pa ako sakanya ng bahagya.
Hindi ko alam kung kasama sa training nila ang mambola ng mga customer na nagrereklamo sa serbisyo nila pero umepek naman sakin.
SOP # 1:
KT (kuya technician): Wala kang pasok?
Aia: Wala po. Sa Monday pa po start ng klase namin.
KT: Ah. Bakit?
Aia: Late po kasi kaming pinagsembreak.
KT: Hayskul ka ba?
Aia: Hindi po. College na po. 3rd year.
WOW! MUKHA PA KONG HAYSKUL! :))
SOP # 2:
KT: Kaanu-ano mo si Izza?
*turo sa picture na malapit sa computer*
Aia: Mommy ko po yun.
KT: Hindi, yung nasa kaliwa.
Aia: Ako po yun!
KT: Akala ko si Izza.
Aia:
*tawa*
*nung palabas na ng gate si KT*
KT: Kamukha mo talaga si Izza Calsado.
Ewan ko a. Tingin ko talaga kasama sa training nilang
"steps sa pagpapalambot ng puso ng naghihimutok na customer" ang mga hirit na ganyan. Kung nanay ko siguro ginanyan niya, baka napagluto pa siya ng Chicken Adobo espesyal.
Labels: PINAS
Nak ng pusit naman o
Tinoyo si Aia nung 3:58 PM
Ganang gana pa naman ako magkwento ngayon, biglang nasawsaw pala yung laylayan ng PJ's ko sa wiwi sa CR. Kadiri! Nangangamoy old man na bed wetter(?) ako. Hanube!
P.S. Ang kapal ko. Solo ko ang bahay ng pinsan ko. Andito pa rin ako, di nagpapatinag sa pag iinternet kahit na umalis na siya at ang tito ko. Hahahah.