Isabel
Tinoyo si Aia nung 3:15 AM
"Masaya ka ba? O pinipilit mo nalang maging masaya?"
Hindi ko mawari bakit may mga taong pinipilit isubsob sa mukha ng ibang tao na masaya sila. Gusto ko lang ipaalala na hindi naman kailangan.
Kung ano man ang tunay mong nararamdaman, hiling ko lang na sana 'sing saya talaga ng tunay mong nararamdaman ang mga lumalabas sa online status-
es mo.:)
Labels: Payong kaibigan
Kupal lang ako period
Tinoyo si Aia nung 3:15 AM
May mga oras, tulad ngayon, na bigla akong napapaisip bakit naiinis sakin ang mga tao? Di ko kasi get madalas. Malamang kupal lang talaga ako.
Meron kasi akong pinagtatawanang tweet kanina. Pero hindi ko na ikukwento. Kung trip mo malaman, BBM mo ko.
Labels: Kakupalan
The Women Tell All
Tinoyo si Aia nung 2:43 PM
Hindi ko kinakaya yung inis ko dito sa The Bachelor at hindi ko kinakaya bakit ko pa 'to pinanonood. Nakakaloka!
May isang babaeng nagkaroon ng "indicent relationship" sa ibang staff sa hindi ko alam na season. At nasaktan daw si lalaki dahil may iba. E anak ng hammershark rin pala tong lalaking 'to, e sya nga lahat ng babae dun dinedate niya.
Pero alam ko namang scripted 'to, pero jirits parin yung nagconceptualize ng palabas na 'to! GRABE!
Labels: media
Korean Dream
Tinoyo si Aia nung 3:49 AM
Wala akong kaalam-alam sa geography at sa bansang Korea, pero kasi ilang araw na akong atat ikwento yung napanaginipan ko nung isang araw, e kaso si buhay kung anu-ano binabato sakin ngayon.
Puputulin ko na at i-fafast forward ko na sa magandang parte. Bale ayun ba nga, the usual panaginip, hinahabol ako, tumatakbo ako at nagtatago para sa buhay ko dahil gusto akong patayin.
Matapos yang parte bg panaginip na yan, natalon ako sa South Korea. Mukha syang Greenhills lang pero Korea daw yun kaya go. Biglang may lumapit sa aking poging Koreano na mukha Pinoy.
Yun na yun. Kilig na kilig na ako dun hanggang ngayon. At hindi ko sigurado kung maayos tong blog na ito dahil antok na antok na antok na ko. @_@
Labels: kabalbalan, self
I'm friendly... Or so I thought
Tinoyo si Aia nung 4:23 PM
Buong akala ko magaling akong makipagkaibigan. Sa pagkakaalam ko kasi marami akong kaibigan. Bilang parang ang dami kong dapat imbitahin sa kasal ko sa susunod na taon.;)
Pwera biro, kakaonti ang tao sa eskwelahan ko nung highschool. Mabibilang sa eksaktong sampong kamay na naputalan ng isang daliri nung nakaraang bagong taon. Tatlong barkada ang pinipilit kong bahagian ng presence ko noong buong highschool dahil ayoko silang magtampo. Pero isang barkada nalang ang nakikita ko sa kasalukuyan.
Na-culture shock naman ako nung college sa dami ng estudyante. Sa bawat section na kinabibilangan ko, hindi ko masiguradong matatapos ang buong semester na kilala ko silang lahat. Iba lang siguro ang kolehiyo, sa isip isip ko.
Grumaduate ako na kabilang sa isang barkada, at kung hindi pa siguro kami pinag grupo, hindi ko sila magiging kaibigan. Hindi ko naman naisip ang kahalagahan nito noon dahil masyadong nilalamon ng oras ko ang pag-aaral at walang panahon para dagdagan pa ang mga taong kailangan kong pamahagian ng care.
Ngayon, sa mismong oras na ito, napagtanto kong hirap pala ako makipagkaibigan. Parang masyadong kuntento na ata ako sa taong mga masasabi kong tunay kong kaibigan. O siguro tamad lang ako magbuhos bg oras para kilalanin ang ibang tao. O kaya naman masyado siguro akong pihikan. Ganun.
O, ewan. Basta alam ko hindi ako ganun kagaling makipag kaibigan. Kung kailan nakita ko ang importansya nito, tsaka pa ako naging wala masyadong pakielam.
Labels: kabalbalan, kaibigan
Alien sa sariling bahay
Tinoyo si Aia nung 1:13 AM
Nagkaroon nanaman ng puwang sa puso ko ang lugar na ito. Maigi na rin maparito muna, wala masyadong tao.
Nanonood ako kanina lang ng Ancient Alients, sa totoo nakikinig lang dahil tutok ang konsintrasyon ko sa paglalaro ng Bejeweled. Maraming naglalarong violent reaction sa isip ko tungkol sa nasabing palabas pero amin nalang yun ng sarili ko (idadamay ko na rin ang boypren ko) dahil sigurado akong delubyo ang kakaharapin ko pag nagsabi pa ko ng kung anu pa man yung nasa utak ko.
Isasakto ko sanang isang taon mula nung huli kong sulat dito bago ko ipublish 'to kaso excited na akong gamitin bagong look nito. Sayang lang na hindi na ata kaya mag-upgrade ng utak ko para intindihin ang bagong HTML kaya ito naman, tiis tiis sa kakapiranggot na alam.
Bale ang daming nagbago over the past year (naks), o baka sa palagay ko lang yun. Gayunpaman masaya na akong nakikita ko ang onti-onting pagbabago sa sarili. Pero mas masaya siguro kung nakikita rin ng iba.
Labels: kabalbalan, life, self, twenty-something problems