Walang sawang lipat bahay
Tinoyo si Aia nung 1:12 PM
Pero ito na talaga! Wala nang bawian. Dito na talaga ako tatanda at uugatin.
http://kapirasongparadiso.wordpress.com
Pakiramdam ko ang mature ko na dahil nasa WordPress na ako. Wala akong basehan nito. Para sa akin lang talaga, medyo mature ang mga manunulat sa WordPress. CHOS!
See you
there!
Labels: buhay OFW, life, self, spirituality
Tiwala sa sarili
Tinoyo si Aia nung 4:56 PM
Nakaisip na ako ng dahilan kung bakit nananatiling frustration ang pagsikat ko sa internet.
Simula nang matuto akong kumalikot ng computer at maglaboy sa internet; nang pagdaanan ko ang sinasabi ni Erik Erikson na
Identity VS Role Confusion; yang sikat na sikat na teen angst; at nang mamulat ako sa mundo ng blogging; isa lang ang naging pangarap ko, ang maging internet superstar.
Pangarap ko talaga maging sikat na blogger. Ewan ko sayo, pero lumaki ata talaga akong kulang sa pansin. Mahal ko ang spotlight. Uhaw ako sa attention. Kaya ko pakasalan ang fame. At exage lang ako sa mga piangsasasabi kong yan.
Kanina pinamukha sa akin ng sarili ko na walang saysay ang cyberhouse ko kaya naman hindi ito dinadagsa nang mambabasa.
Sinilip ko ang ilan sa mga kilala at sikat na blog, o atleast sikat sa mundo ko, karamihan
(o rather lahat sila), may katuturan ang existence sa cyberspace. Kung hindi food blog, travel blog. Makakatulong nga naman ito sa mga taong nasa alta ciudad na walang magawa sa buhay at pera nila kundi waldasin.
E ako, sa loob ng walang taon, puro sa buhay kong walang saysay ang laman ng bawat pahina ng blog ko. Hindi naman ako galing sa isang tanyag na pamilya para ususyuhin ng tao ang buhay ko. Hindi rin naman inspirational ang mga pinagsasabi ko na ikatutuwa ng marami. At lalong hindi ako magaling magpatawa, tulad ng mga paborito kong blog.
Sabi ko iisip ako ng paraan para masolusyunan ito. At ang solusyon ko... wala. Wala akong gagawin. Itutuloy ko lang ang pagkwento sa buhay kong para sa akin ay makulay. Naniniwala parin ako, isang araw, sisikat ako, at magiging hit-maker ang lahat ng naging blog ko. ;)
(Ang totoong dahilan kaya wala nalang akong gagawin, sinubukan ko kasing gumawa sa wordpress dahil inggitera ako, kaso may nagmamay-ari na ng username na gusto ko. Pakiramdam ko nga akin yun, kaso nalimutan ko na ang password o email address).
Labels: twenty-something problems