Nagbago na isip ko, gusto ko pala ng kasal na malaki at magara. Alam kong ayoko magpakasal EVER, AS IN EVER, pero kung ikakasal man ako, gusto ko ganito kaganda!
Nung napanood ko yung SATC1, naisip ko na hindi naman ganun kaimportante ang bonggang kasal, na ang importante ay yung ikaw at kabiyak mo. At sa uulitin, hindi ko naman talaga gustong ikasal, dahil sa totoo lang mas nakikita ko ang sarili kong nakikipag live-in lang. HAHA! Ewan ko kung bakit. Sa totoo alam ko, ayoko lang magexpound ngayon.
Pero hindi, gusto ko pala talaga ng magarang kasal, magarang damit, magarang asawa, magarang pagkain, magarang honeymoon, magarang reception, magarang magcocover ng wedding ko, magarang lahat. AT hindi ako magpapakasal, hanggat hindi ganito kaganda ang kasal ko.
(Sana hindi ko kainin tong sinabi ko. Pero ayos lang, sanay naman akong lumamon ng mga salita)
Home for the weekend installment 3
Tinoyo si Aia nung 5:28 PM
Wala talaga akong maisip sabihin ngayon, pero magpopost parin ako para hindi masabihan na isa akong irespubsableng blog owner kahit na wala naman talagang magsasabi sakin niyan dahil... [insert dahilan here].
Huling linggo na next week ng in-house review namin. Sa lumipas na tatlong linggo, wala paring pinagbago mga nakukuha kong grade sa mga test drills. Lagi paring ligwak. Kahit anong pilit kong ipagsiksikan ang inaral ko sa loob ng apat na taon sa makipot kong kokote, hindi talaga siya magkasya. Hanggang dun lang ata talaga ang kakayanan ng brain cells ko.
Ang pinanghahawakan ko nalang talaga ng pag-asang makakapasa ako ay ang eskwelahan namin. Meron daw magic ang [insert nursing school here] namin kaya hindi bumababa ng 97% ang passing rate namin sa board exam. At syempre si my ever loving papa God. Alam kong ipapasa niya ko.:)
Wala na akong masabi. Sana next week may maisip akong katutuwanang masabi. Wala nanaman saysay tong pinagsasasabi ko.
I'm not yet 21 and I'm already hazy
Tinoyo si Aia nung 6:28 PM
Walang kinalaman yung title. Home for the weekend installment 2. Hanggang 4 installments yan. Hahaha!
Isang linggo nanaman ang nakalipas at puro bagsak parin ang grades ko sa in-house review. Minsan nakakawala ng loob, pero madalas nakakatawa nalang kasi onti lang naman talaga ang pumapasa, paminsan wala pa. Actually madalas. Basta, walang saysay tong sinasabi ko.
21. Next year pa ako mag 21. Nalaman ko lang nitong nakaraang araw na hindi mo pa pala makukuha ang license mo kapag hindi ka pa 21 years old (sa nursing, ewan ko sa course mo). Nakakatuwa dahil may valid reason ako para magpaka-bum. (At oo, I'm claiming that I will pass the July 2010 NLE)
Mas lalo akong natuwa dahil alam kong message ito mula kay Papa God. Naaalala ko nung mga bandang Abril, ume-emo ako patungkol sa kung anong gagawin ko sa buhay ko. Parang ayoko maging nurse habang buhay. Parang gusto ko nalang mag photographer. Yung isa kong kaibigan na isang tanyag at magaling na photographer (buti hindi niya mababasa to dahil lalaki ulo nun) binigyan ako ng mga company na pwede kong apply-an, kailangan ko lang ayusin ang portfolio ko. Pero nagbitaw din naman siya ng ilang salita na napa-isip din ako.
'Kapag yan ang naging trabaho mo, mawawalan ka ng hobby. Baka magsawa ka!' Hindi eksaktong ganyan ang pagkasabi niya. Basta!
Nasabi ko na parang ayoko naman maging photographer habang buhay. At hindi rin naman ako ganun ka-artistic, pinipilit ko lang.
Nasabi ko pa na ayos lang sakin na bumagsak ako ng July 2010 NLE para may rason ako para maglitratista, o kaya magpaka-bum. At gusto ko kasing magbigay oras sa mga walang kakwenta kwenta at walang saysay na mga hobby bago ako pumasok sa totoong buhay.
Pero ayun nga, kapag bente-uno ko pa makukuha ang license ko (again, I'm already claiming to God that I will pass the July 2010 NLE). Meron pa akong halos isang taon para mag buhay baboy. Binigyan ako ni God ng oras, sinasabi niya ring ayaw niya akong bumagsak ng board exam ko. Nakakatuwa. Nakakabless.:)
P.S Lingid man sa iyong kaisipan, isa akong kristyano at matindi ang paniniwala ko sa Diyos. Bagamat hindi halata sa paraan ko ng pananamit o pagsasalita, totoong isa ako sa milyong milyong tao na tumanggap na ang Diyos ang aking tiga pag salba.:)

Thinking of deleting every internet account I have, but then again that is just emo. And I am too lazy to look up how to password protect this thing. So yeah... Bye! I hope this is for good.