Jeepney Joyride
Tinoyo si Aia nung 8:05 PM
Ayoko sa mga jeepney na makupad tumakbo. Lalo na yung walang diskarte kapag trapik, dahil madalas late ako. Gusto ko yung mga jeepney drayber na ex-drag racer yata kung mag maniobra ng sasakyan. Parang laging dina-diarrhea sa bilis magpatakbo. At yung kung mag change ng lane ay parang..... wala akong maisip na metaphor kaya ititigil ko to na dahil baka maging korny lang ang kalabasan.
Masarap sumakay sa mga patok na jeep ng Antipolo-Cubao, lalo na kapag pababa ka na sa bundok. Parang rollercoaster na walang seatbelt at ang tanging magliligtas lang sayo ay ang grace ni God. Mapapalapit ka talaga sa Diyos sa bawat liko na gagawin ng jeep sa sikat na sikat na zigzag hi-way ng Antipolo, habang nakikita mo ang ilang libong talampakang babagsakan mo. Thrilling! Dasal lang ang katapat ng lahat. Sa araw araw, ganyan ang biyahe ko. Ang sarap! Lagi nalang ako napapangisi kapag nakikita ko mga reaksyon na mga kapwa ko pasahera na tila constipated sa takot.
At kanina nung pauwi ako, usual senaryo ng biyahe ko, overspeeding ang jeepney. Sakto pang ang tatanda na ng mga kapwa ko pasahero kaya naman makikita mo talaga ang bakas ng takot sa bawat pag-overtake na gagawin nung jeep. Hindi na kinaya nung isang pasahero
(takot pa syang harapin si kamatayan) kaya naman kinalampog na nya yung bubuong ng jeep. Akala nung drayber may bababa, kaya naman napatapak to ng bongga sa brakes. Makikita mo talaga yung skid marks na iniwan nung jeepney.
Pero dedma parin si manong drayber, at lalo lang ng inis kaya naman mas binilisan nya pa yung pagpapatakbo nya. Natatae na ata kaya atat na atat ng makauwi. Maya maya, biglang nahuli yung drayber. Tawanan yung mga pasahero. Ang lalakas mang-gago. Sumisigaw pa yung katabi ko ng,
"Tama tama, huliin niyo yan! Reckless driver e!" Sinabayan pa ng tawa ng lahat. Hininaan ko kagad yung volume ng tugtog ko ng makiusosyo sa matatanda. Pati ako natatawa na rin.
Nung sumakay na yung driver. Hindi nakapagpigil yung isang pasahero,
"Ma, ano yung violation niyo?" Hindi ko na narinig yung sinagot ng drayber. Nilakasan ko na yung volume ng tugtog ko at sobrang pinipigilan ko ng tumawa. Simula nung mahuli kami, hanggang sa makarating ako dito sa aming tahanan, pigil na pigil talaga yung tawa ko...
Paano ba naman kasi
(balik tayo sa jeepney scenaryo) yung katabi ko, biglang tinanong yung kundoktor
(ito yung bagong huli palang si manong drayber)...
"Anong violence nung driver?"
!@#$%^&*()
Gusto ko talagang magmura sa kakatawa! !@#$ VIOLENCE DAW! WAHAHAHAHAHAHAHAHHA!
Labels: PINAS, sa daan
Self-induced despondency
Tinoyo si Aia nung 12:29 AM
Yeah! Ang profound ng title. Gusto ko talagang nagpapaka-deep, as deep as the Philippine Deep. Parang ang intelektwal mong pakinggan kapag ang lalim ng mga binitawan mong salita na sa totoo naman kapag nilaanan mo ng oras para i-analyze, mapagtatanto mong wala naman pala talagang saysay.
Tulad ngayon, medyo nasayang yung ilang segundo ng buhay mo pagbabasa ng introduction ko.
Dahil nga nagpapaka-profound ako, naghanap ako ng word na malalim pakinggan na synonymous sa sadness.
Despondency - extreme hopelessness. Hindi ko alam pero tingin ko healthy sa writing career ko kapag exage ang pagka-sad ko. In short, kapag nagpapaka-emo ako.
Ewan ko
(ulit), pero hindi ko talaga mawari sino ang nagpa-uso ng emo. Ang sarap batukan nung gumawa ng genre na emo dahil parang sinabi nyang yung mga may genre lang na ito ang may emosyon ang kanta. Kinukwestyon ko yung mga nakakausap ko noon about sa topic na ito, sinasabi nila sakin lagi na extreme ang emotion sa genre ng emo. Okay!? Pero sige, sing gulo narin naman ng pulitika sa Pilipinas ang paksang ito kaya lets just drop it. At hindi rin naman ako all-knowing sa musika at sa mga sanga nito para mangpuna pa.
Kapag naririnig ko yung salitang emo, unang pumapasok sa isip ko suicide o pagpapatiwakal. Nagkaroon na talaga ng stigma ang salitang emotional
(para sakin lang siguro to). Binangasan ng mga tao ang salitang hindi naman dapat nagbibigay ng masama o negative na connotation. Kahit na sabihin nating ang emotion ay feeling na maaaring malungkot o masaya... Kapag emotional kasi sa akin, mas nagfefavor sa good side.
At hindi ko alam bakit sa usapang ito nauwi ang gusto kong i-share. E ang punto ko lang naman, gusto ko sana mag induce, may it be parenteral, enteral o intravenously, ng hormone na pang pa-depress
(emotionally) para may maisulat akong worth publishing. Hahahaha! May ganun ba?
Walang saysay! Bow.
P.S. Saktong isang taon na pala ako sa tahanan kong ito. Bow ulit!Labels: kabalbalan, life, musika
Parusa
Tinoyo si Aia nung 4:18 PM
Hindi ko alam bakit ko pinarusahan ang sarili ko. Hindi kagad naproseso sa utak kong masasaktan at mahihirapan pala ako sa ginawa ko at naging desisyon ko. Toyo! Hindi kasi nag-iisip.
Paano kasi, atat na atat na akong makauwi. Sa sobrang pagmamadali, sumakay kagad ako sa tricycle kahit sa backride nalang ang natitirang upuan. Dun pa ko sa bakal naka-upo. Aruy! Nung umandar, tsaka lang nagsink in saking may pigsa nga pala ako sa pwet. Ang almost fifteen minute ride ko ay parang naging sampung oras na hell para sa tumbong ko.
Ang sakit talaga! AT no, hindi naman
siya (ginawang tao?) ito pumutok. Hindi pa ata ito hinog?! T_T
Labels: self
Superhuman
Tinoyo si Aia nung 5:19 PM
Halos mag-iisang taon na rin pala ako sa munting tahanang kong ito. Parang kailan lang tinopak ako at inatake ng pagkainggitera kaya naman gumawa nanaman ng bagong blog. At ayun, history repeats itself, hindi ko napanindigan ang obligasyon ko sa aking blog. Hahaha!
Nitong mga nakaraang araw, naging magulong magulo ang buhay ko. Magulo in a sense na maayos at may direksyon. Mahirap i-eksplika. Masaya. Malungkot. Ayokong magkwento kasi ayokong malaman niyo.
Parang jigsaw puzzle talaga ako magkwento. Hahaha! Pero ito ang pinakamagandang linyang makapaglalarawan sa estado ko ngayon -
out of the comfort zone.
Apir. :)
Labels: life, self, spirituality