Home for the weekend
Tinoyo si Aia nung 12:56 AM
In-house review week 1 down. 3 weeks to go! Nakakabaliw. Ngayon ko lang namiss ang tahanan namin.
Nung nakaraang lingo, nag-away yung mga magulang ko. Ang tatay ko minaster ang defense mechanism na displacement, kaya ayun naghagis nanaman ng mga bagay bagay sa galit niya. Ang nahablot niya ay yung The Bar Apple niya. Puno pa naman, sana pinainom nalang niya sakin!
Isang lingo ang nakalipas, bati na sila. Nakahiga ako sa kama nila, nang bigla... mabubug ang tatay ko. Karma nga naman! Hahaha!
Labels: buhay estudyante, pamilya
I'm a drama queen
Tinoyo si Aia nung 11:23 AM
...and I overact alot. A little over-analyzing too, I guess. I act on my hypothesis, without even testing the (expected) outcome.
And I always forget, that happiness is a choice.
Labels: twenty-something problems
Unica Hija
Tinoyo si Aia nung 12:31 PM
Isang pasasalamat ko sa pagiging only child ay...
- Hindi dahil na madali kong makuha ang gusto ko.
- At mas lalong hindi dahil sa pagiging sobrang mapagmahal (a.k.a strikto) ng mga magulang ko.
- Hindi dahil nasosolo ko ang bandwidth ng internet.
- Hindi dahil ako lang gumagamit ng computer.
- Hindi dahil wala akong kaagaw sa banyo.
- Hindi rin dahil akin lang ang mga padalang tsokolate.
- Hindi dahil okay lang na magdamag bukas ang aircon (dahil hindi naman dahil sa pagiging only child ko kaya buong araw bukas yan).
- Hindi dahil marami akong personal time, isama mo na ang kalawakan ng personal space ko.
- Hindi dahil may heater sa banyo ko, at sa magulang ko wala.
- At maraming pang hindi...
Nagpapasalamat ako dahil nasanay akong maging mag-isa. Nasanay akong ako lang. Pero hindi ko naman sinasabing kaya kong mamuhay ng habang buhay mag-isa dahil hanggang ngayon kasama parin ako sa unemployment rate ng Pilipinas (technically). No man is an island nga daw. Pero it really comes in handy kapag sanay kang mag-isa, kapag sanay kang malungkot, kapag sanay kang tahimik ang paligid dahil walang mintis, kapagtapos ng saya, laging may lungkot.
Kung baga ang pagiging mag-isa, ang pagiging malungkot is just part of my daily routine. *Aia slashes her throat to death and screams...* IM EMO LIKE THAT!
Labels: bollywood, life
Isang bagay na narealize ko
Tinoyo si Aia nung 2:56 AM
Pagdating sa giyera, you stand alone. Kaya matutong kang lumaban mag-isa. Matutong tumayo, kahit on one foot. Matutong walang aasahan. Para pagdating ng panahon hindi ka masasaktan.
Labels: twenty-something problems
Usapan natin, usapan nila
Tinoyo si Aia nung 11:56 PM
Masakit mang tanggapin, mas masakit pa sa katawan ko ngayon dahil sa bagong aura-han naming pa-gym gym, pero kaya talagang sirain nang isang mababaw na pangyayari napakatagal na pagsasamahan. Tama nga talaga na ang isang pagkakamali kayang tabunan at burahin lahat ng magagandang memorya.
Change is inevitble nga talaga. At bumabagay ang pagbabago sa panahon ngayon, sobrang bilis, sing bilis ng sperm ng tatay mo.
Walang saysay sinasabi ko. Pero kayang i-connect the dots yan. Ang pagbabago, hindi naman ganun kadaling mapansin, pero kapag mabilis o biglaan, madadama mo agad, lalo na kung kilala mo yung tao. Tingin palang, alam mo ng may mali.
At tulad ng sinabi ko sa huli kong post, paminsan, water is thicker than blood. Nakakalungkot, sobra. Pero ganun talaga ang buhay. Akala natin sing lawak na ng Pacific ocean ang pagiisip natin, pero sing kipot parin pala ng Haolai River.
Labels: life, twenty-something problems
The Bar Strawberry wave
Tinoyo si Aia nung 8:04 PM
'Drink moderately'
Maliwanag na nakasulat yan sa lahat ng alcohol beverages. Kung may makita kang walang warning, ipagbigay alam lamang sa malapit na suking sari-sari store.
Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob, wag naman sanang masamain ng makakabasa. Total espasyo ko naman to sa cyberworld, karapatan ko naman sigurong magsabi ng kahit anong gusto ko rito.
Mas masarap parin ang The Bar Apple kesa sa The Bar Strawberry, yun lang mas mahapdi ang former. Pero hindi talaga ito ang kwento ko. Kagabi, marami akong napatunayan; sugapa pala ako sa mic kapag nakainom; hindi pala ako dapat mahiyang kumanta kahit hindi maganda boses ko, dahil laging meron isang mas malala ang boses sayo; walang kwenta sa akin ang shot glass dahil hindi ko naman sinusunod. Mali ang nasa isip mo, hindi mas marami ang tagay ko sa shot glass, kundi kalahati lang nito. Dapat nga kinuha ko nalang yung panyo ko at sinasawsaw sa inumin at dinampi dampi sa labi ko ayon sa aking tito.
At na hindi pala laging totoo ang kasabihang blood is thicker than water.
Pero pananaw ko lang naman yun. At kadalasan naman ng mga iniisip ko mali.
Labels: relationshit, twenty-something problems
Indelible Ink
Tinoyo si Aia nung 9:40 AM
Parang napapadalas ata ang pagblog ko habang nakapila sa mahabang linya. Nakapila ako kasalukuyan para bumoto, pero hindi tungkol sa pagboto yung mga sasabihin ko dahil mangmang naman talaga ako pagdating sa pulitika.
Mainit. Maraming tao. Isa to sa pinaka ayokong environment. Naiirita ako. Nababanas! Nabubugnot...
Tapos itong katabi ko, parang naligo pa sa regla tapos pinagpawisan dahil nababad sa araw sa palengke. GRAVE!
Ang hardcore pa, parang na-waft yung amoy niya papunta sakin. Nagpaypay! Tae! Kailangan ko talagang dumistansya at tumalikod sakanya para lang di maamoy.
Hindi talaga ako exage! Promise! Swear!
P.S. Hindi ako mapanghusga. Before I came down to that conclusion, nag gather ako ng nga information at data. At hindi ko inexclude ang sarili ko sa mga salarin, hindi parin kasi ako naliligo. Kaya isa ako sa suspek. Pero.... Siya talaga! Siya siya siya! Grave!
Labels: kabalbalan, life, PINAS
Airplanes pt 2
Tinoyo si Aia nung 11:37 AM
Dapat may part 2 talaga. Stuck on replay yang kantang yan sa iTunes ko simula kagabi. Grinoup message ko yung last line ng chorus na
I could really use a wish right now.
Ang bebenta talaga ng mga kaibigan ko! Mga reply:
1. Mataba lang ako pero hindi ako genie!
2. Your wish is my command... (nung sinabi kong
sige gusto ko ng lens biglang sabi) ...genie lang ako hindi Diyos!
At akalain mong dalawa lang pala ang kaibigan ko. Hahaha!
Labels: kabalbalan, kaibigan
Airplanes
Tinoyo si Aia nung 10:32 AM
Pinuntahan ko nanaman ang
tirahan ko noon. Sobrang nanghihinayang talaga ako sa kinahantungan nun, yung mga ideya at paraan ng pasulat ko dun habang naglalaon ay parang inuuod at inaamag na. Ano bang nangyari sa akin noon? Parang nawalan ng saysay ang pagsusulat ko!
Gusto ko talagang buhayin kung paano ako magsulat nung mga panahong kasagsagan ng katanyagan ng maliit kong cyberspace sa cyberworld. Pero wala na rin namang saysay kung gawin ko pa yun, wala na rin naman ang masugid kong tiga pagbasa na akala mo ang dami pero sa totoo nabibilang lang sila sa apat na daliri.
Magkukwento nalang ako sa mga kaganapan kagabi. Kung maaalala mo sa nakaraang kong post, oo alam ko kausap ko sarili ko, sinabi kong aalis na ang dalawa kong pinsan. Ayun na nga, pinatapon na sila sa outerspace. Nageexpect ako ng mga iyakan, pero siguro talagang sanay na ang pamilya nila sa mga paglisan kaya halos parang pupunta lang sa kapitbahay ang paalamanan. Gayunpaman, alam kong gustong umiyak ng mga yun, pero dahil pamilya kami ng KJ at anti-mainstream, hindi talaga naming ipapakitang umiiyak kami. Pero baka ako lang ata talaga to! Nandadamay lang ako.
Ito lang ata matinong shot kagabi, at hindi pa ako ang kumuha nito. Hahaha!
Labels: kabalbalan, pamilya
Migration migraine
Tinoyo si Aia nung 11:42 AM
Isa munang post bago mag-aral ng masinsinan.
Nagliliparan na ang mga tao papuntang outerspace. Yung dalawa kong pinsan (
Janna and Jek) inaantay na sila ng rocketship nila. Parang kailan lang tulo uhog pa yung mga yun, este inaayos palang nila mga papeles nila, ngayon aalis na sila.
Nakakatuwa tong taon na to. Sabi nga ng isa ko pang pinsan (
Jops) breakthrough year to ng angkan namin. Tulad ng nasabi ko sa nakaraang post ko, all the sufferings from last year is finally paying off.
May dumating nanaman kasing magandang good news (does it sound redundant to you?). Anyway, maliban sa dalawa kong pinsan na paalis na, yung isa nilang kapatid (kuya Caloy, na pinsan ko rin duh) na-approve na rin ang petition, pati na rin yung isa pa naming tito (tito Julius) na ama ng isa kong pinsan (
Jops) na nabanggit ko earlier.
At ang pinakalatest na good news ngayon ay, maisasama ni tito (tito Julius) ang tatlo niya pang anak (
Jops, Julrey, Janfeb) na well ofcourse, duh, pinsan ko rin.
Sobrang saya ko nung narinig ko ang balita kagabi. Nakakaexcite dahil ang daming plano ni God sa amin ngayon. Pinaka-turning point na ata to ng mga buhay namin kaya dapat na talaga kaming mag-ayos.
Napatunayan ko rin kagabi na may tendency talaga akong magka-psych problem. Matapos kong tumalon sa tuwa, lumuhod ako sa iyak. Sobrang mamimiis ko yung mga ugok na yun. Sino nalang pupuntahan ko kapag may kailangan ako, sino nalang gagawin kong model kapag wala akong makuhang model, at yung iba amin amin nalang dahil baka ikabagsak lang ng pamilya namin yun.
Pero ang pinaka kinalulungkot at kinatatakutan ko ay paano kapag naiwan na nila akong lahat dito. Alam ko hindi ako magiging mag-isa dahil slight lang naman ang pagka-loner ko, at andyan naman si significant other. Pero, mahirap parin talaga yung pakiramdam na napagiiwanan.
Ang dami kong kinatatakutan na bagay ngayon, sa sobrang dami nagkakasala na ko. Nagkakasala in a sense na parang nawawalan na ko ng tiwala sa Panginoon. Alam ko namang hindi niya ko pababayaan, pero... tao lang ako, hindi ako si Ironman na parang walang kinatatakutan. Pero siguro kinakausap lang ako ng mga pangyayari, na dapat na talaga akong mag-ayos sa buhay. Dapat na akong mag-aral ng mabuti dahil dalawang buwan na lang, 60 days, 8 weeks at magtetake na ako ng board exam.
P.S. Mag-aaral na talaga ako!
Labels: life, pamilya
Long lines and success
Tinoyo si Aia nung 11:30 AM
Madalas kaming magusap ni significant other tungkol sa pagpila sa mahabang linya. Walang kwenta alam ko. Madalas kapag nakapila kami sa kung saan namin napaguusapan ng ganito. Pero lagi kong nakakaligtaan kung ano ang napagusapan namin tungkol dun.
Madalas rin sigurong magbago papananaw ko patungkol dun kaya hindi nata-tattoo miski mga sinabi ko.
Patience is the key to happiness. Madalas na storya dyan ay ang pagpila sa carnival rides.
Pero matapos nga ba ang ride, tunay nga bang natagpuan mo ang kasiyahan sa lahat ng hilo at pagkasukang naranasan mo?
Syempre dapat 'OO' ang sagot mo dyan dahil bawal ang KJ sa mga post ko. Hahaha!
Kasalukuyang ako nakapila ngayon. Magfile ako ng application para sa NLE! After ba nito makakamit ko yung ligayang pangako... aba'y oo. Hahaha!
Walang kwenta!
Labels: kabalbalan, life