Soul Searching
Tinoyo si Aia nung 11:34 PM
Hindi ko alam sayo, pero parang pinagdadaanan ata talaga yung parte sa buhay na kailangan hanapin ang sarili. Nung hipster days ko nung highschool, nasa isip ko lang ay ano bang kabalbalan yang "soul searching" na yan? Anong lebel ng kaemo-han yan? Pero ayun, inihain ko sa sarili kong plato last year ang mga sinabi ko. Yummeh!
Hindi ko ulit alam sayo, pero hilig ko kasing mapag-isa lalo na kapag may bumabagabag, masakit, o hindi tama sa sarili ko. Two years ago ko lang na kumpirma yan nung pinagkanulo ako ng mga kaibigan ko simula gradeschool na wala nga raw pinipiling okasyon ang hilig kong mapag-isa. Emo impulse.
Hindi ko alam kung saan pumupunta ang storya pero itutuloy ko nalang ang kwento. Doon ko tuluyang natanggap na emo at heart nga ako. Kaya siguro dapat ko ng kalimutan ang kagustuhan kong maging hipster. Ipapaliwanag ko sana ang dahilan sa likod ng lahat na ito pero wag nalang dahil that would be the residual "herbal drugs" talking.
Side kwento. Minsan ko lang aaminin 'to at malaki ang posibilidad na bawiin ko 'to sa mga susunod na araw kahit na may print screen ka nito. Noon highschool ako, nung nasa "Identity vs Role Confusion" pa ako, naalala kong una kong alyas na ginawa sa internet ay GaNjA_gUrL na hindi alam kung ano ba talaga ang ganja! Nakikita ko kasing nasa mga t-shirt yun at suot ng mga cool na tao sa paningin ko. In short hindi ko alam yun. At it turns out, once in my life I've become that GaNjA_gUrL Kaya kids, be careful on what type of identity you're going to show the internet.
Bale iniisip ko lang ngayon kung talaga bang pinagdadaanan itong soul searching phase sa buhay ng bawat isa, o may mga piling tao lang kagaya ko na mahilig mag emo sa bawat emosyon na pinagdadaanan? Nanonood kasi ako nito ngayon lang ng lumang pelikula ni Lorna Tolentino at Richard Gomez, e ganito ang eksenahan nilang dalawa.
Labels: life, self, twenty-something problems