Jollitown Hangover
Tinoyo si Aia nung 11:47 AM
Ayy naku! Natatawa pa rin ako sa Jollitown na yan. Akalain mong pati ang industriya ng pag-aartista sinasabak ni Jollibee
(at ang buong Jollee crew). Syet!!!
Kani-kanina lang nanonood kami ng Kay Susan Tayo
(hindi ako kapuso, sadyang nag eenjoy lang ako sa food trip ni Susan). Ang kasunod pala ng palabas na yun ay ang nasasabing controbersyal na Jollitown. Nakakatuwa naman pala yung palabas! Unlike ng mga ibang kiddie shows tulad ng Blues Clues o Dora the Explorer, mabilis ang phasing ng palabas kaya hindi nakakabore panoorin.
Maganda ang topic nila kanina: Ang
kadamutan ni Bong! May mga sarili akong experiences sa kadamutan. Hindi nakakatuwa!
Nakakahawa ang kadamutan (in theory). May mga taong nakapaligid sa akin na masasabing kong madamot. Yung iba sa larangan ng pagdadamot sa pagkain ang minamaster, yung iba naman gusto maging all around master sa larangang ito. Kapag nakakasama ako sa mga ganitong klase ng species, nagiging iba ang pakiramdam ko lalo na kapag eating time. Ewan! Nasanay kasi ako na kapag kumakain, parang fiesta lagi. Ang pagkain ng isa, pagkain ng lahat. Kuha dito, kuha dyan. Buraot dito, buraot dun. Halu-halong laway na! Masaya! Sobrang masaya kumain kapag ganyan. Kahit tipong bitin ka sa pagkain, busog ka parin.
May mga iba't ibang klase din ng mga yan. Meron yung tipong: Exhibition A:
1: Pahingi naman nyan. *kukuha ka ng medyo naparami*
2: Uy. Andami naman nyan. Tinitipid ko nga e. Peyborit ko to e!
Meron ding: Exhibition B:
1: Pahingi naman nyan.
2: .....
1: *nagtataka kung pumayag ba o hindi*
2: ....
1: Okay lang ba?
2: *tungo*
Yung sa exhibition A, may kasamang pangongonsensya. Ang hirap tuloy lunukin nung hiningi mo. Yung sa exhibition B, parang utang na loob mo sa taong yun ang pagbigay nya. Parang babayaran mo habang buhay ang paghingi mo sakanya. Parehas hindi nakakatuwa!
Nakakahawa! Nakakainis! Kahit anong pigil mong huwag silang tuluran, magagaya at magagaya ka kapag sila ang nakakasama mo.
Hindi naman ako galit sa mga ganitong klaseng tao. Tingin ko kasi nasapagpapalaki sa kanila yun, sa mga napagdaanan nila. Katatawanan at awa ang nararamdaman ko sa kanila.:|
Labels: life
First week palang to!
Tinoyo si Aia nung 9:46 PM
SYYYYEEEETTTT!!! Kamusta naman ang pers week ng third year! @_@ Dyusko. Apat na araw palang hindi na kami magkandaugaga sa mga pinagpapapasa, sa lecture at sa pagintindi sa mga sinasabi nila. Wawawi ang week! Pers quiz, bagsak agad ako. Isang solid na KWATRO! Yum! Sarap kainin!
Pero bumawi rin naman ako sa mga susunod na quiz. Pasado naman parehas! Dang taas naman kasi ng passing grade, dun sa una 75%, sa pangalawa at pangatlo 60%. @_@
Unang duty ko this year ay sa community. I lab da community! Hindi dahil trip ko dun pero dahil malapit sa bahay namin. Isang trayk lang, wala pang 10 min ride. Rapsa!
Haaay! Goodluck sa mga susunod na linggo!
Labels: buhay estudyante
Third year
Tinoyo si Aia nung 7:24 PM
Hindi na ako gagaya sa iba na ipopost pa ang aming rotation schedule dahil wala namang saysay at hindi niyo naman maiintindihan. Dyusko po! Sa loob ng isang buwang bakasyon parang nagka-amnesia ako. Matindihan! Hindi na ako marunong mag-aral. Letse! Nakakapangilabot yung orientation. Bawal talagang bumagsak. Ganun ba talaga yun? O mahilig lang talaga manakot ang third year faculty! Syet!!! Pakiramdam ko mawawalan na ko ng social life. Ayy wawawi talaga! T_T
Labels: buhay estudyante
Wowowee
Tinoyo si Aia nung 6:25 PM
Alam nyo yung mga iba't ibang klase ng pag acquire ng learning? Basta may ganun, asa notes ko yun pero tinatamad na kong hanapin. Merong mga learning na base from experience. At meron atang dalawang klase pa nyan, yung isa ikaw ang naka-experience then you learned from it at meron naman ang kakilala o kaibigan mo ang naka-experience, shinare nya sayo at you've learned from it.
Sabi nila marami kang matututunan sa experience. Sabi din nila na mistakes are the best teacher.
Bakit ang mga lalaki, hindi nila kayang matuto sa mga mistake ng kapwa nila lalaki? Sabihin nalang natin na tulad ng pambabae! Maraming lalaki ang nagkamali dyan, at sigurado ako na lahat ng lalaki ay may kaibigan o kakilalang nambabae na at nagkamali. Pero bakit karamihan sakanila, well 99% of the population of the guys
(FINE! This isn't a valid stats) ginagawa parin to. Hindi ba sila pwedeng matuto sa mga karanasan ng mga kakilala o kaibigan nila?
O may bagay lang talaga na sadyang dapat ikaw mismo ang makaranas para matuto?
*Nanonood kasi ako ng Wowowee kanina at Friday the 13th kasi ngayon, tinoyo tuloy ako!
Labels: life
Independence Day!
Tinoyo si Aia nung 7:44 PM
Libre sa LRT kanina! Ayos. Akala ko joke time lang yung text message na na-receive ko.
COMMERCIRAL:
*Singing Bee: ...from the Cover Boys!!!
Syet! Akala ko si Victor Basa! Ako'y nasawi. Pero ayos lang, kasama ko naman si Victor Basa look-a-like kanina. Eeeee.:x
(Ayy. Kinilig!) Hahahah.
May gusto akong sabihin hindi ko masabi. Siguro kasi gutom na ko! Nakakainis. Kay Victor Basa nanaman umikot ang post ko.
Labels: media, self
Deep sleep
Tinoyo si Aia nung 4:04 PM
Alam mo yung pakiramdam na sobrang lalim ng tulog mo na kahit kuyugin ka ng kuyugin at kilitiin ng kilitiin hindi ka parin magigising? Ganyan daw ang pakiramdam ng mga patay. Under deep sleep lang kung baga!
Bakit kaya kapag tumatawid ako sa hi-way, wala akong takot. "
Kung oras mo na, oras mo na!", yan ang lagi kong sinasabi kapag pinag-iingat ako! Tingin siguro nila ang tapang ko at wala akong takot mamatay.
Naaalala ko nung bata ako, tuwing hapon
(may certain time na hindi ko na maalala kung anong oras yun) nagmumuni muni ako na sa totoo hindi ko naman talaga gusto. Nagiging otomatik sya kung baga! Ayoko talagang naiisip yun. Yung tungkol sa
paano kapag namatay na ko,
anong pakiramdam kapag patay na ko,
anong gagawin ko kapag patay na ko. Ayokong ayokong sumasagi sa isip ko yan! Natatakot ako. Kumakabog ang puso ng wala humpay. Ilan taon din ata akong ganun. Sakit ba yun?
Sabagay hanggang ngayon naman, takot parin ako mamatay. Kahit mukhang hindi!
Labels: self