Jollitown Hangover
Tinoyo si Aia nung 11:47 AM
Ayy naku! Natatawa pa rin ako sa Jollitown na yan. Akalain mong pati ang industriya ng pag-aartista sinasabak ni Jollibee
(at ang buong Jollee crew). Syet!!!
Kani-kanina lang nanonood kami ng Kay Susan Tayo
(hindi ako kapuso, sadyang nag eenjoy lang ako sa food trip ni Susan). Ang kasunod pala ng palabas na yun ay ang nasasabing controbersyal na Jollitown. Nakakatuwa naman pala yung palabas! Unlike ng mga ibang kiddie shows tulad ng Blues Clues o Dora the Explorer, mabilis ang phasing ng palabas kaya hindi nakakabore panoorin.
Maganda ang topic nila kanina: Ang
kadamutan ni Bong! May mga sarili akong experiences sa kadamutan. Hindi nakakatuwa!
Nakakahawa ang kadamutan (in theory). May mga taong nakapaligid sa akin na masasabing kong madamot. Yung iba sa larangan ng pagdadamot sa pagkain ang minamaster, yung iba naman gusto maging all around master sa larangang ito. Kapag nakakasama ako sa mga ganitong klase ng species, nagiging iba ang pakiramdam ko lalo na kapag eating time. Ewan! Nasanay kasi ako na kapag kumakain, parang fiesta lagi. Ang pagkain ng isa, pagkain ng lahat. Kuha dito, kuha dyan. Buraot dito, buraot dun. Halu-halong laway na! Masaya! Sobrang masaya kumain kapag ganyan. Kahit tipong bitin ka sa pagkain, busog ka parin.
May mga iba't ibang klase din ng mga yan. Meron yung tipong: Exhibition A:
1: Pahingi naman nyan. *kukuha ka ng medyo naparami*
2: Uy. Andami naman nyan. Tinitipid ko nga e. Peyborit ko to e!
Meron ding: Exhibition B:
1: Pahingi naman nyan.
2: .....
1: *nagtataka kung pumayag ba o hindi*
2: ....
1: Okay lang ba?
2: *tungo*
Yung sa exhibition A, may kasamang pangongonsensya. Ang hirap tuloy lunukin nung hiningi mo. Yung sa exhibition B, parang utang na loob mo sa taong yun ang pagbigay nya. Parang babayaran mo habang buhay ang paghingi mo sakanya. Parehas hindi nakakatuwa!
Nakakahawa! Nakakainis! Kahit anong pigil mong huwag silang tuluran, magagaya at magagaya ka kapag sila ang nakakasama mo.
Hindi naman ako galit sa mga ganitong klaseng tao. Tingin ko kasi nasapagpapalaki sa kanila yun, sa mga napagdaanan nila. Katatawanan at awa ang nararamdaman ko sa kanila.:|
Labels: life

Post a Comment
<- balik sa balur