Graduation Day
Tinoyo si Aia nung 9:29 AM
*deleted original post*
Binura ko ang original post ko dahil napansin kong ang lanta ko ng magsulat kumpara sa
dati. Nagrounds kasi ako sa mga blog na madalas kong binabasa, nakakuha lang ako ng onting inspirasyon. Pero sa totoo nainggit lang ako sa kung paano sila magsulat na kahit nobela ang post nila, masarap basahin hanggang katapusan.
Ilang araw nalang, 6 days to be exact, madadagdag na ko sa unemployment rate ng Pilipinas. Pero sa mga course na kailangan pa ng lisensya para manloko ng iba, este makapagtrabaho, isang bagay lang ang pag graduate, at everything ang pagpasa sa boards. Kapag ako bumagsak ng NLE, ayoko ng magsalita dahil marami mag-aapila sa lait na gagawin ko.
Isa lang naman ang gusto ko sa buhay, ang SUMIKAT. Umbrella effect kung baga, kapag sikat ka ang daming perks na wag na nating isa isahin dahil hindi rin ako siguarado kung anu ano ang mga yun, basta alam ko marami. Bakit hindi ba ko pinanganak sa isang marangya o tanyag na pamilya.
Nagkakaroon ako ng post-graduate crisis ngayon (na sa totoo lang medyo stagnant naman ang feeling ko na yan at nauubusan lang ako ng sasabihin ngayon). Hindi ko alam ang gusto kong gawin sa buhay, gusto ko ba talaga magpaalila sa mga doctor sa ospital, o gumiling nalang sa Pegasus para sa madaling pera. Mapapalaki pa ang tyansang makuha akong dancer sa Wowowee at maging karelasyon si Willy. Pero hindi nga pala ako marunong sumayaw at mukha akong butete sa laki ng tiyan ko.
Main point is, hindi ko na gusto ang kursong pinili ko. At huli na ang lahat para magrewind at patungan ang mixtape na record ng buhay ko.
Pero sabi nila di pa naman huli ang lahat. Hindi nga ba?
Gusto ko lang naman ay sumali sa PBB, kamuhian ng mga tiga panood at maging artista. Bow.
Labels: buhay estudyante, life, twenty-something problems

Natawa naman ako sa butete part. Haha. :)
Hmm. Di ko alam ano maipapayo ko e. Medyo mahirap ang iyong sitwasyon.. LIpapagdasal kita. :)
kailangan lang sumunod sa flow ng buhay. hahahaha
Post a Comment
<- balik sa balur