Airplanes
Tinoyo si Aia nung 10:32 AM
Pinuntahan ko nanaman ang
tirahan ko noon. Sobrang nanghihinayang talaga ako sa kinahantungan nun, yung mga ideya at paraan ng pasulat ko dun habang naglalaon ay parang inuuod at inaamag na. Ano bang nangyari sa akin noon? Parang nawalan ng saysay ang pagsusulat ko!
Gusto ko talagang buhayin kung paano ako magsulat nung mga panahong kasagsagan ng katanyagan ng maliit kong cyberspace sa cyberworld. Pero wala na rin namang saysay kung gawin ko pa yun, wala na rin naman ang masugid kong tiga pagbasa na akala mo ang dami pero sa totoo nabibilang lang sila sa apat na daliri.
Magkukwento nalang ako sa mga kaganapan kagabi. Kung maaalala mo sa nakaraang kong post, oo alam ko kausap ko sarili ko, sinabi kong aalis na ang dalawa kong pinsan. Ayun na nga, pinatapon na sila sa outerspace. Nageexpect ako ng mga iyakan, pero siguro talagang sanay na ang pamilya nila sa mga paglisan kaya halos parang pupunta lang sa kapitbahay ang paalamanan. Gayunpaman, alam kong gustong umiyak ng mga yun, pero dahil pamilya kami ng KJ at anti-mainstream, hindi talaga naming ipapakitang umiiyak kami. Pero baka ako lang ata talaga to! Nandadamay lang ako.
Ito lang ata matinong shot kagabi, at hindi pa ako ang kumuha nito. Hahaha!
Labels: kabalbalan, pamilya

I did! Haha. Oo! Ako na naman ang bida!
anong i did? hahhaahha! edit ko nga, photo credit goes to sesaryo! :D
Post a Comment
<- balik sa balur