Migration migraine
Tinoyo si Aia nung 11:42 AM
Isa munang post bago mag-aral ng masinsinan.
Nagliliparan na ang mga tao papuntang outerspace. Yung dalawa kong pinsan (
Janna and Jek) inaantay na sila ng rocketship nila. Parang kailan lang tulo uhog pa yung mga yun, este inaayos palang nila mga papeles nila, ngayon aalis na sila.
Nakakatuwa tong taon na to. Sabi nga ng isa ko pang pinsan (
Jops) breakthrough year to ng angkan namin. Tulad ng nasabi ko sa nakaraang post ko, all the sufferings from last year is finally paying off.
May dumating nanaman kasing magandang good news (does it sound redundant to you?). Anyway, maliban sa dalawa kong pinsan na paalis na, yung isa nilang kapatid (kuya Caloy, na pinsan ko rin duh) na-approve na rin ang petition, pati na rin yung isa pa naming tito (tito Julius) na ama ng isa kong pinsan (
Jops) na nabanggit ko earlier.
At ang pinakalatest na good news ngayon ay, maisasama ni tito (tito Julius) ang tatlo niya pang anak (
Jops, Julrey, Janfeb) na well ofcourse, duh, pinsan ko rin.
Sobrang saya ko nung narinig ko ang balita kagabi. Nakakaexcite dahil ang daming plano ni God sa amin ngayon. Pinaka-turning point na ata to ng mga buhay namin kaya dapat na talaga kaming mag-ayos.
Napatunayan ko rin kagabi na may tendency talaga akong magka-psych problem. Matapos kong tumalon sa tuwa, lumuhod ako sa iyak. Sobrang mamimiis ko yung mga ugok na yun. Sino nalang pupuntahan ko kapag may kailangan ako, sino nalang gagawin kong model kapag wala akong makuhang model, at yung iba amin amin nalang dahil baka ikabagsak lang ng pamilya namin yun.
Pero ang pinaka kinalulungkot at kinatatakutan ko ay paano kapag naiwan na nila akong lahat dito. Alam ko hindi ako magiging mag-isa dahil slight lang naman ang pagka-loner ko, at andyan naman si significant other. Pero, mahirap parin talaga yung pakiramdam na napagiiwanan.
Ang dami kong kinatatakutan na bagay ngayon, sa sobrang dami nagkakasala na ko. Nagkakasala in a sense na parang nawawalan na ko ng tiwala sa Panginoon. Alam ko namang hindi niya ko pababayaan, pero... tao lang ako, hindi ako si Ironman na parang walang kinatatakutan. Pero siguro kinakausap lang ako ng mga pangyayari, na dapat na talaga akong mag-ayos sa buhay. Dapat na akong mag-aral ng mabuti dahil dalawang buwan na lang, 60 days, 8 weeks at magtetake na ako ng board exam.
P.S. Mag-aaral na talaga ako!
Labels: life, pamilya

Post a Comment
<- balik sa balur