I'm friendly... Or so I thought
Tinoyo si Aia nung 4:23 PM
Buong akala ko magaling akong makipagkaibigan. Sa pagkakaalam ko kasi marami akong kaibigan. Bilang parang ang dami kong dapat imbitahin sa kasal ko sa susunod na taon.;)
Pwera biro, kakaonti ang tao sa eskwelahan ko nung highschool. Mabibilang sa eksaktong sampong kamay na naputalan ng isang daliri nung nakaraang bagong taon. Tatlong barkada ang pinipilit kong bahagian ng presence ko noong buong highschool dahil ayoko silang magtampo. Pero isang barkada nalang ang nakikita ko sa kasalukuyan.
Na-culture shock naman ako nung college sa dami ng estudyante. Sa bawat section na kinabibilangan ko, hindi ko masiguradong matatapos ang buong semester na kilala ko silang lahat. Iba lang siguro ang kolehiyo, sa isip isip ko.
Grumaduate ako na kabilang sa isang barkada, at kung hindi pa siguro kami pinag grupo, hindi ko sila magiging kaibigan. Hindi ko naman naisip ang kahalagahan nito noon dahil masyadong nilalamon ng oras ko ang pag-aaral at walang panahon para dagdagan pa ang mga taong kailangan kong pamahagian ng care.
Ngayon, sa mismong oras na ito, napagtanto kong hirap pala ako makipagkaibigan. Parang masyadong kuntento na ata ako sa taong mga masasabi kong tunay kong kaibigan. O siguro tamad lang ako magbuhos bg oras para kilalanin ang ibang tao. O kaya naman masyado siguro akong pihikan. Ganun.
O, ewan. Basta alam ko hindi ako ganun kagaling makipag kaibigan. Kung kailan nakita ko ang importansya nito, tsaka pa ako naging wala masyadong pakielam.
Labels: kabalbalan, kaibigan

Post a Comment
<- balik sa balur